Ang Stars ay virtual good na magagamit ng fans para magpakita ng pagmamahal pabalik sa ‘yo sa mga live broadcast, reel, on-demand video, photo, at text post. Sa bawat Star na matatanggap mo mula sa isang fan, kikita ka ng 1 cent mula sa Meta. I-on na ang Stars para mapalalim ang koneksyon mo sa fans mo at kumita ng pera.
Paano masulit ang Stars
Available ang Stars sa iba’t ibang uri ng content na pino-post mo sa Facebook—mga reel, litrato, text, story, at live. Alamin pa ang tungkol sa kung paano mo magagamit ang Stars para kumita ng pera.