MGA ANNOUNCEMENT

I-unlock ang iyong pagiging malikhain gamit ang Reels sa Facebook
Tingnan ito

Setyembre 29, 2021

Pebrero 22, 2022: Ang Facebook Reels ay available na ngayon sa higit 150 bansa sa buong mundo.

Ilo-launch namin ang Reels sa Facebook para sa iOS at Android!

Narito ang higit pang impormasyon sa nakakasabik na bagong format na ito, ano magagawa mo dito at paano ka posibleng kumita ng pera.

Ano ang Reels sa Facebook?

Ang Reels ay nakakaaliw at nagbibigay-inspirasyon na maiikling video na may musika, audio, mga AR effect, mga text overlay at marami pang iba, at pwede mo na ring gawin ang mga ito sa Facebook app sa iyong mobile device! Direktang naka-share ang iyong Reels sa iyong mga fan sa kanilang pangunahing News Feed at sa mga bagong audience sa isang nakalaang seksyon para sa Reels sa News Feed, na nagbibigay sa mga taong bago sa iyo ng pagkakataon na makita at ma-enjoy ang mga gawa mo.

Gamit ang Reels, pwede kang:

Maging Malikhain

Magsimulang gumawa ng Reels sa iyong mobile device sa itaas ng Feed o sa pamamagitan ng pagpili sa "Gumawa" mula sa nakalaang seksyon ng Reels sa News Feed. Pwede kang mag-record ng clip (o series ng mga clip) nang real-time o mag-upload ng mga dating (o series ng mga dating) pre-recorded na video mula sa gallery ng iyong telepono, o pwede kang gumamit ng mga pinaghalong real-time at pre-recorded na clip.

Bago mag-share ng Reel, pwede mong i-edit at i-trim ang mga clip ayon sa gusto mong haba, o dagdagan ang mga effect, sticker at text. Kakailanganin mong magkaroon ng access sa iba't ibang malikhaing tool sa pag-edit, kasama ng:

Audio: Maglagay ng kanta mula sa library ng musika ng Facebook, o gumamit ng sariling orihinal na audio. Ia-attribute sa iyo ang iyong orihinal na audio at pwede itong gamitin ng komunidad ng Facebook para gumawa ng kanilang Reels.

Bilis: Pabilisin o pabagalin ang isang bahagi ng iyong video o audio habang nagre-record ka.

Mga Effect: Pumili ng isa sa mararaming effect para mag-record ng maraming clip gamit ang iba't ibang effect.

Timer: Mag-record ng clip nang hands-free gamit ang timer.

Abutin ang Mga Bagong Audience

Sa Reels, pwede mong i-share ang mga gawa mo sa iyong mga kaibigan at mga follower–at magkaroon ng pagkakataong matuklasan ng mas malaking komunidad ng Facebook.

Pag-share ng Iyong Reel: Kapag pwede nang i-share ang iyong Reel, pwede kang magdagdag ng paglalarawan at mga hashtag, at mag-tag ng iyong mga kaibigan.

Mamili ng default na audience: Pwede mo ring i-set ang audience para sa iyong Reel, na magtutukoy kung sino ang pwedeng makakita nito kapag na-share na ito. Bilang default, naka-set sa Naka-public ang Reels para sa mga creator na higit sa 18 taong gulang. Pwede kang pumili ng bagong default na audience ng Reels o magbago ng audience depende sa bawat Reel anumang oras.

Abutin ang iyong mga follower at bagong audience: Nakakatulong ang Reels na mapalaki mo ang iyong komunidad kapag natutuklasan ang iyong content sa mas malawak na komunidad ng Facebook. Lalabas ang iyong Reel sa News Feed para sa iyong mga follower, pati na rin sa nakalaang sesksyon para sa Reels sa News Feed para matuklasan ng mga taong hindi ka pina-follow.

Irekomenda ang iyong Instagram Reels sa Facebook: Kung gumagawa ka na ng Reels sa Instagram, pwede mong payagan ang Facebook na irekomenda ang iyong Instagram Reels sa mga bagong audience sa Facebook–maaaring makatulong ito para maabot mo ang mas maraming tao.

Maging Bukod-tangi

Narito ang ilan sa mga tip para matulungan kang maging bukod-tangi sa iba, na maaaring matulungan ang iyong Reels na matuklasan ng mas maraming tao.

Gawing nakaka-relate sa iba ang iyong Reels: Mag-isip ng bagay na madaling makaka-relate ang mga tao, at idagdag ang iyong bersyon. Abangan ang mga pinakabagong trend, challenge at kanta, at i-recreate ang mga konseptong ito nang may personal mong bersyon.

Makipag-ugnayan sa iyong mga audience: Tungkol man ito sa pag-aayos ng mga kotse, pagluluto o pagsasayaw, gumawa ng Reels na nagpapakita ng mga kakaiba mong kakayahan. Mag-eksperimento gamit ang iba't ibang klase ng content, katulad ng mga tutorial o comedy, at tingnan kung ano ang pinakatumatatak sa iyong audience. Panatilihing nakikipag-ugnayan ang iyong audience, at tiyaking nakakaaliw ang content mo. Gawing mas nakakabuhay ang iyong Reels gamit ang mga cool na effect, musika, at text.

Magkuwento: Siguraduhing nagkukuwento ka mula sa simula hanggang dulo. Subukang magdagdag ng mga sorpresa o twist para mapanatiling natatawag ang pansin ng viewer. Gumawa ng script para sa iyong Reel bago ka mag-record. Isulat kung ano dapat ang maging kalalabasan ng bawat clip at kung anong musika ang gagamitin para sa sandaling iyon.

Magbigay ng inspirasyon sa iba: Hikayating sumali ang iba sa katuwaan sa pamamagitan ng paggawa ng sarili nilang Reel na may simpleng challenge, pangkulturang sandali o nakaka-relate na gawain sa pang-araw-araw na buhay.

Kumita ng Pera

Noong Hulyo, inanunsyo naming mamumuhunan kami ng higit $1 bilyon sa mga creator sa Facebook at Instagram hanggang 2022. Simula sa araw na ito, nag-o-offer kami ng Reels Play – mga bagong bonus program sa Facebook at Instagram na nagbibigay-daan sa iyong kumita ng pera para sa Reels na iyong sine-share.

Magbabayad ang Reels Play sa Facebook ng bonus sa mga eligible na Facebook creator na may Reels na nakakakuha ng hindi bababa sa 1000 pagtingin sa 30 araw na panahon sa Facebook. Ang Reels mula sa mga creator na nasa invite-only na programa ay dapat sumunod sa aming mga patakaran sa pag-monetize ng content at dapat ang creator ang may-ari ng content para mabilang ito sa bonus.

Kasalukuyang invite-only ang Reels Play sa bonus program ng Facebook. Ino-notify ang mga creator na naimbitahan sa Facebook App at Creator Studio at pwede silang mag-sign up para alamin ang higit pa rito.

Magbabayad sa mga eligible na creator sa Instagram ang Reels Play sa Instagram para sa mga pagtingin sa Reels sa Instagram at Facebook. Direktang makakatanggap ng alert ang mga creator na eligible na makilahok sa Instagram Reels Play bonus sa kanilang Professional Dashboard sa Instagram app.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

/
48

Samahan kami

Makatanggap ng mga eksklusibong insider tip, payo ng eksperto, at ang pinakabagong balita sa creator sa pamamamgitan ng pag-sign up.

Mag-sign up para matanggap ang aming newsletter na inilaan sa creator at maging eligible para sa mga eksklusibong benepisyo

Welcome sa aming creator community.

Salamat sa iyong interes. Makikipag-ugnayan kami sa lalong madaling panahon.