TIPS AT TRICKS | MGA ANNOUNCEMENT

Gusto mo bang pagandahin ang iyong mga deal ng nilalaman na tungkol sa brand? Kami ay tumatanggap ng mga application para sa Brand Collabs Manager—
isang bagong paraan para tulungan kang kumita ng pera mula sa mga brand deal.
Ginagawang madali ng Brand Collabs Manager na mahanap at makontak ng mga brand ang mga creator para sa mga partnership na may kaugnayan sa nilalaman na tungkol sa brand. Gamit ang tool, mabilis kang makakagawa ng portfolio para malaman pa ng mga brand ang tungkol sa iyo. Halimbawa, pwede kang magdagdag ng naka-feature na video at mga bagay na tulad ng iyong mga interes, paboritong post at lokasyon. Awtomatiko ring ipapakita ng iyong portfolio ang mga insight ng iyong audience, data ng performance at mga nakaraang brand partnership.

Ang mga brand ay gumagamit ng Brand Collabs Manager par maghanap at tumuklas ng mga creator sa Facebook para sa mga deal ng nilalaman na tungkol sa brand. Halimbawa, pwede nilang i-explore ang mga sina-suggest na creator batay sa mga filter na tulad ng tina-target na audience, bilang ng follower, mga nakaraang partner sa nilalaman na tungkol sa brand, at marami pa.
Dagdag pa rito, pwedeng makakita ang mga brand ng porsiyento ng “pagtugma ng audience” kung paano tumutugma ang audience ng creator sa kanilang paghahanap. Pwedeng direktang mag-email ang mga brand para magsimula ng pag-uusap tungkol sa pakikipag-collaborate. Ang perang kikitain mo mula sa mga brand partnership na ito ay sa iyo lang, at walang porsiyento ang Facebook dito (bagaman maaari nitong baguhin ito sa hinaharap).
Ipinapakita rin ng Brand Collabs Manager sa mga brand kung sinong mga creator ang nag-like ng kanilang Facebook Page, kaya bigyan ng thumbs-up ang iyong mga paboritong brand para lumabas bilang sina-suggest partner!
Habang sinusubukan namin ang tool sa limitadong set ng mga partner, tumatanggap na kami ngayon ng mga application mula sa mga creator sa U.S. na may 25K follower o higt pa na kumakandili sa tapat na community ng fans at tinutugunan ang aming mga alituntunin ng content. Para mag-apply, pumunta sa www.facebook.com/collabsmanager. Kung maaaprubahan, makakakuha ka ng email at notificaiton sa iyong Facebook Page kung saan ka pwedeng mag-sign up, na aabutin nang wala pang 5 minuto.