TIPS AT TRICKS

Gabay sa creator sa Instagram

Abril 25, 2019

Ang Instagram ay tungkol sa pagbuo ng mga koneksyon sa iyong community at pagpapakita ng iyong tunay na sarili.

Sulitin ang pag-share ng video gamit ang mga tip na ito para sa IGTV, Stories, Live at Feed.



Maging tunay

Mas malamang na makikipag-ugnayan ang iyong fans at follower sa post na mukhang personal kaysa sa isang bagay na sobra ang pagkakagawa o halata namang hindi mo ginawa. Maging parang nakikipag-usap lang at tunay sa iyong mga caption, at mag-share ng natatanging content na hindi makikita ng fans sa iba, tulad ng mga behind-the-scene na litrato at mga video.

Mag-post nang madalas at maging malikahin

Ang palagiang pagpo-post ay ang mahalaga. Huwag matakot na mag-post araw-araw at huwag ito masyadong isipin. Basta’t mananatili kang bago at tunay, masasabik ang fans mo na sundan ang journey. Ang madalas na pag-post ay tinitiyak na makikita ng fans mo ang iyong content. Gawing layunin na mag-post ng kahit isang beses sa Feed, Stories, Live at IGTV bawat linggo.

Maging mas malapit sa iyong fans

Gamitin ang mga sticker ng tanong o i-@mention ang fans sa Stories para ipaabot ang pagmamahal ng fans! Ang isang nakatuon at maayos na community ay susi sa tagumpay sa Instagram, at ang pagkilala sa isang comment ay maaaring magdala sa iyo ng pangmatagalang fans. Maraming paraan para makausap ang fans sa Stories, Live, Feed at IGTV. Maglaan ng sandali ngayong araw para i-like ang isang comment o sumagot nang may ilang salita.

Maging storyteller

Magdagdag ng konteksto sa iyong mga post para maramdaman ng fans mo na kasama ka nila sa sandali. Ang iyong pagsakay papunta sa isang lugar, ang iyong reaksyon sa isang sandaling kasama ang isang fan o pati ang workout mo sa umaga ay mga sandali lahat na nagbibigay ng dahilan sa mga tao para mag-follow at makipag-ugnayan. Pag-isipan ang masasayang paraan para mag-share ng mahigit sa isang sandali, tulad ng pag-post ng maraming litrato at video sa isang feed post o gumamit ng countdown sticker para bumuo ng momentum sa isang malaking sandali.

Huwag matakot na mag-post araw-araw at huwag ito masyadong isipin.

Mag-upload ng mga mas nahabang story

Pwede ka na ngayong mag-post ng mas mahabang mga video sa mga story, mag-record ng lampas sa 15 segundo at hanggang 1 minuto. Mas madali na ngayong sabay-sabay na mag-upload ng maraming litrato at video. Habang nagre-record ka ng video nang lampas sa 15 segundo, may lalabas na thumbnail tray para sabihin kung gaano na karaming video ang na-record mo. Ang bawat 15 segundo ng na-record o na-upload na media ay nagiging sarili nitong video, at pwede kang mag-record ng hanggang apat na video sa loob ng 1 minuto sa iisang session. Para mag-upload ng maraming story, i-tap ang icon sa kanang itaas ng iyong camera roll, pagkatapos ay mag-tap para pumili ng hanggang 10 litrato o video. Para sa mga parehong feature, pwede mong magkakahiwalay na i-edit ang bawat litrato o video, na makakatipid sa iyo ng oras sa pag-edit!

1,2, 3 ng Branded content

1

Maging tapat. Bumuo ng tiwala sa iyong audience sa pamamagitan ng pag-tag sa mga negosyong nakikipagtulungan ka. Hinihiling ng aming mga patakaran sa mga creator at publisher na i-tag ang mga business partner sa mga post ng content na tungkol sa brand kapag may palitan ng benepisyo sa pagitan ng creator o publisher at business partner.

2

Maging may kabuluhan. Makipagtulungan sa mga brand na ang mga produkto ay tunay mong kinagigiliwang makipagtulungan. Ito dapat ay parang akma para sa iyong boses at presence a Instagram para ganap itong tumatak sa iyong fans.

3

Maging tunay. Tiyakin na mukhang natural ang creative kaya tumatatak ito nang madalas sa iyong organic na audience. Ayaw ng fans na malinlang.



IGTV: Maunang manood

So ano ang magandang IGTV video? Naka-series na mga video na 2-3 minuto at nagpapanatili ng hindi nagbabagong tema sa iyong channel, kaya pwedeng abangan ng fans ang makikita nila. Dapat kunan ang mga IGTV video nang patayo sa 9:16 para masulit ang mga gawi ng mga tao sa panonood. Ang mas maikling mga clip na nagbabahagi ng mga araw-araw na sandali ay mas akma sa Stories o Feed.


Tip mula sa pro! Simulang hikayating manood kaagad ang mga manonood. Para mabilang na panood, kailangang panoorin ng iyong fans ang hindi bababa sa 3 segundo ng iyong video.

Maging storyteller

Makakuha ng mas maraming tao na makakatuklas ng iyong IGTV video sa pamamagitan ng pag-promote nito sa Stories, Feed at Live. Narito ang mga step na dapat sundin:.


1

Tatlong araw bago: Mag-share ng behind-the-scenes content mula sa iyong paparating na video sa Stories.

2

Dalawang araw bago: Mag-post ng countdown sticker sa iyong Stories.

3

Sa pag-upload: Mag-post ng preview ng iyong IGTV video sa Feed.

4

Pagkalipas ng 1-10 minuto: Gamitin ang IGTV share sticker sa iyong Stories.

5

Pagkalipas ng 1-10 minuto: I-post ang permalink sa iyong IGTV video sa Facebook at iba pang mga social app.

6

Pagkalipas ng 1 araw: Mag-Live para pag-usapan ang mga rekasyon sa iyong IGTV video.



Ipagpatuloy ang pagbabasa

/
14

Samahan kami

Makatanggap ng mga eksklusibong insider tip, payo ng eksperto, at ang pinakabagong balita sa creator sa pamamamgitan ng pag-sign up.

Welcome sa aming creator community.

Salamat sa iyong interes. Makikipag-ugnayan kami sa lalong madaling panahon.