ANNOUNCEMENT

Ang mga creator, malaki o maliit man, tulad mo, ay bumubuo ng mga vibrant na community sa Facebook at ang aming suite ng mga app.
Ang aming goal ay tiyakin na mayroon kang mga tool at suporta na kailangan mo para kumita ng pera at mag-thrive – sa ibaba ay ilang exciting na update tungkol sa aming progress, mga tool na pwede mong samantalahin sa ngayon at ano ang aming ginagawa pa.
Mula 2019 hanggang 2020, ang bilang ng creator na kumikita na katumbas ng $10,000 USD kada buwan ay lumaki ng 88% at lumaki ng 94% ang mga creator ng content ay kumikita ng $1,000 kada buwan.
Pagbili ng power parity adjustment batay sa conversion factor ng World Bank
Nakagawa kami ng malaking progress, pero mayroon pa kaming dapat gawin. Kaya sinasamantala namin ang pagkakataon na i-share ang maraming paraan na pwede kang mag-monetize sa Facebook:
Kumita mula sa short-form na video: Ginagawang posible para sa mga creator na i-monetize ang lahat ng uri ng video at mga ad ng testing sticker sa Stories.
Pagbubukas ng pag-monetize para sa mas maraming creator: Pag-update ng aming pagiging eligible ng in-stream ad para mas maraming creator ang maa-access ang program, pagbubukas ng access sa mga in-stream ad para sa Live at pag-expand ng may bayad na mga online event at fan subscription sa mas maraming bansa.
Pag-accelerate ng suporta ng fan: Giangawang mas madaling makakuha ng access ang mga creator sa suporta ng fan habang lumalaki ang consumer adoption sa pamamagitan ng libreng mga giveaway ng Stars sa mga viewer.
Mula sa Live hanggang sa maikli at long-form, pwede kang mag-share ng eclectic na halo ng mga video sa Facebook. Simula ng pag-launch ng mga in-stream ad, na-expand namin ang format para isama ang pre, mid, post-roll at mga image ad pati rin ang mga format na partikular sa Live.
Pwede ka na ngayon kumita ng pera mula sa mga video na kasing ikli ng isang minuto, na may minimal na tuloy-tuloy na ad nagra-run ng 30 segundo. Para sa mga video na tatlong minuto o mas mahaba, pwede ipakita ang ad nang 45 segundo sa atuomatic insertion. Dati ang mga tatlong-minuto o mas mabang video lang ang maaaring i-monetize sa mga in-stream ad, sa ad na ipinapakita mamg hindi mas maaga sa 1 minuto.
Binago ito sa lumalaking mga payout para sa mga creator — lumaki sa mahigit na 55% ang mga payout sa in-stream ad mula 2019 hanggang 2020 — sa mga creator ng video sa lahat ng laki na nakakakuha ng makabuluhang kita. Halimbawa, mula sa katapusan ng 2019 hanggang Abril 2020, ang kita ng in-stream ng Korean chef na si Seonkyoung Longestay tumaas nang halos 50% kada buwan.
Sa pagtingin sa hinaharap, lalo kaming naka-focus sa pag-montetize ng short-form na video. Sa mga darating ng linggo, sisimulan namin ang pag-test ng kakayahan mong i-monetize ang iyong mga Facebook Stories sa mga ad na mukhang mga sticker at makatanggap ng bahagi ng nagreresultang kita. Habang ang unang test ay maliit, umaasa kaming i-expand sa mas maraming creator, at pagkatapos ay palawakin ito sa mga short-form na video sa Facebook.
Ngayon na-expand namin ang mga uri ng video na pwede i-monetize sa Facebook, ina-update namin aming pamantayan sa pagiging eligible para pwede i-monetize ng mas maraming creator ang kanilang mga video sa mga in-stream ad. Para sumali sa aming in-stream ad para sa program na video-on-demand, dapat mayroon na ngayon ang mga Page ng:
600,000 kabuuang minuto na na-view mula sa anumang combination ng pag-upload ng video – on-demand, Live at Nag-live dati – sa nakalipas na 60 araw.
5 o higit pang active na mga upload ng video o dati nang mga Live na video. Dapat na-publish, hindi na-delete ang mga video, nasunod sa aming Mga Patakaran sa Pag-monetize ng Content.
Ang aming mga nakaraang requirement ay isinasaalang-alang lang ang hindi bababa sa three-minute-long on-demand na mga video. Tinutulungan ang mga creator ng in-update na pamantayan na ito na gumawa ng Live at mga short-form na video para i-monetize ang kanilang ni-record na mga video.
Tandaan, dapat ka pa ring mag-publish mula sa Page (hindi profile) na may kahit 10,000 follower, dapat 18 taong gulang at matatagpuan sa sinusuportahan ang bansa, at dapat pumasa ang iyong Page at manatiling sumusunod sa aming Mga Patakaran sa Pag-monetize ng Partner .
Noong magsimula ang pandemic, nag-perform Dena Blizzard sa mga comedy club sa buong United States bilang trabaho, hanggang sa live streaming sa Facebook sa kanyang tahanan. Sa mga in-stream ads para sa Live, nakabawi siya para sa nawalang kita. Nakita niya ang 65% na paglaki sa mga kita pagkatapos ang pagsali sa program at nakakuha ng mahigit sa 50% ang mga in-stream ad para sa Live ng kanyang mga kabuuang kita.
Nasasabik na nagko-comment ang [aking mga viewer] kapag may mga ad na lumalabas tuwing mga live broadcast ko, at kumukuha sila ng litrato ng mga ad na nakita nila at ipo-post ang mga ito sa aking Page para makita ko. Sabi pa nga ng isang supporter na, "kung susuportahan ng panonood ng 20 segundo na commercial ang iyong pamilya, pwede mong i-play ang anumang gusto mo!
Dahil sa mga story tulad nito, nasasabik kami ngayon na gawin posible para sa mga creator na i-monetize ang kanilang mga Live na video sa mga in-stream ad Dati ang program na ito ay imbitasyon lang.
Para mag-qualify para sa aming mga in-stream ad para sa Live program, dapat mayroon kang 60,000 Live na minutong na-view sa nakalipas na 60 araw, dagdag pa sa pagtugon sa mga requirement ng program sa video-on-demand. Ang oras na panonod o mga pag-upload mula sa na-cross-post na mga video ay hindi ibinibilang sa qualification para sa parehong mga program.
Pwede mong tngnan ang iyong pagiging eligible at i-submit ang iyong mga Page para sa review para sa mga in-stream ad program sa Creator Studio.
Habang magandang paraan ang mga ad para i-monetize ang mga livestream, ang built-in engagement ng Live ay akma rin para kumita ng pera gamit ang Stars. Sa pagtuon sa pag-reward sa loyalty ng fan, nakita namin ang pagpapahusay ng Stars ng koneksyon sa pagitan ng mga creator at ang kanilang community ng mga fan.
Sa nakalipas na 6 na buwan, nagpadala ang mga tao ng video at mga gaming creator na may average na 1 bilyong Star kada buwan, katumbas sa $10 milyon USD kada buwan.
Halimbawa, si Vincenzo Girasoli — kilala rin bilang si Idressitalian — ay gumagamit ng Live para dalhin ang kanyang mga fan sa mga virtual tour ng Italy at nagmo-monetize gamit ang Stars. Mula May hanggang Setyembre 2020, nag-average siya ng 634 taong nagpapadala sa kanya ng Stars kada buwan at nakatanggap sa mahigit isang milyong Star sa isang araw lang.
Natutuwa kaming i-announce na nag-iinvest ang Facebook ng $7 milyon sa susunod na ilang buwan sa consumer education at adoption sa pamamagitan ng libreng Stars. Sa ilang livestream na Star enabled, makakakita ang ilang tao ng offer para i-claim ang libreng Stars na pwede nilang ipadala at kanilang discretion sa kanilang mga paboritong creator para i-boost ang kanilang pagiging nakikita at koneksyon sa creator at i-add sa mga kita ng mga creator.

Ipinakilala din namin ang maraming pagpapahusay sa Stars. Dagdag sa mga badge na natanggap ng mga nagpadala ng Stars, kitang-kita na ang mga comment na ipinadala sa Stars at naka-pin sa loob ng Live player kung saan makikita ang mga ito ng iba pang mga viewer. Ipinakilalal rin namin ang mga virtual gift na pwedeng ipadala ng mga tao sa mga creator.

Mabilis na ini-expand ang Stars sa Live-focused na mga video creator sa 15+ market. Makakuha na ng access sa feature ang mga inimbitahan mula sa kanilang mobile device bago sila Mag-live at makakuha ng Stars, at pagkatapos tapusin ang pag-set up ng kanilang account sa kanilang computer sa Creator Studio pagkatapos. Pwede mong tingnan ang pagiging eligible at magpahayag ng interes sa pagkuha ng access dito.
Habang ang Stars ay para sa mga Live stream, sa mga darating na linggo ay sisimulan namin ang pag-test sa Stars para sa video-on-demand, pag-explore ng mga feature para sa maikli at long-form na mga ni-record na video.
Noong Agosto 2020, ipinakilala namin ang feature na may bayad na online event at simula noong pagkatapos ng lumaki na ito, binibigyan ka na isa pang mahalagang paraan para kumita ng pera sa Facebook. Nagho-host ang mga Page na malawak na range ng may bayad na mga online event — mga class sa pagluluto, comedy show, Live na podcast recording, virtual tour, make-up na tutorial at marami pa — at inaabot at mino-monetize ang bago at malalaking audience.
Binago ng Komendyanteng si Daphnique Springs ang kanyang live comedy showcase para sa virtual world gamit ang may bayad na mga online event at ganap na nag-exceed sa mga inaasahan – na pinapahintulutan siyang ihatid ang kanyang brand ng live comedy sa virtual na audience, palitan ang nawalang kita at maabot ang mga bagong audience.
Ang may bayad na mga online event ay ang hinaharap. Gustong-gusto ko kung paano nito ako binigyan ng oportunidad para dalhin ang aking mga live na show sa aking mga fan sa Facebook, kung nasaan man sila sa mundo. Maraming mga dahilan na hindi ka nakikita ng mga tao na mag-live at sa personal, kasama at hindi kasama ang pandemic. Nagawa kong dalhin ang stand-up comedy na experience sa aking komunidad nang walang lahat ng mga extra na nangyayari sa personal, tulad ng pagpila, pagbayad para sa pag-park, mga ticket fee, at babysitter. Maganda ang aking naging experience at lubos kong inire-recommend ang feature na ito sa ibang mga creator.
Ngayon ang may bayad na mga online event ay nasa20 bansa, at ie-expand namin ang may bayad na mga online event sa 24 na karagdagang bansa sa mga darating na linggo: Argentina, Austria, Bangladesh, Bolivia, Colombia, Denmark, Ecuador, Egypt, Guatemala, Hong Kong, Indonesia, Ireland, Malaysia, Morocco, New Zealand, Peru, Portugal, South Africa, Switzerland, Taiwan, Thailand, ang Pilipinas, Turkey at ang United Arab Emirates.
Ang aming feature na mga fan subscription ay patuloy pa ring nakakakita ng malakas na paglaki at nagbibigay ng maaasahang source ng kita sa mga creator sa buong mundo — mayroon na ngayong 1 milyong active na fan subscription sa mga creator sa Facebook. Sa mga darating na buwan, ie-expand namin ang product sa mas maraming bansa — kasalukuyan kaming nasa 25+ market a mag-eexpand sa karagdagang 10 bansa; Austria, Belgium, Denmark, Finland, Ireland, New Zealand, Norway, Sweden, Switzerland at Turkey.
Para sa may bayad na mga online event at mga fan subscription, patuloy nahindi kukuha ng anumang revenue share ang Facebook mula sa alinman sa mga product na ito hanggang kahit sa Agosto 2021.
Pwedeng kumita ng pera ang mga creator mula sa mga ad sa pamamagitan ng aming program ng in-stream ad, mula sa suporta ng kanilang mga fan sa pamamagitan ng mga fan subscription at may bayad na mga online event, sa pamamagitan ng aming feature na Stars sa may bayad na mga partnership sa pamamagitan ng branded content at brand collabs manager. Nangangahulugan ito na pwede mong piliin ang halo ng mga product na pinakamagandang tumutugma sa community na binuo mo at ang content na sini-share mo.
Para ma-access ang anuman sa aming mga program sa pag-monetize, dapat sumunod ang mga creator sa aming mga patakaran ng pag-monetize ng partner at mga patakaran ng pag-monetize ng content. Kasama sa mga set na patakaran na ito ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at karagdagang antas ng mga pamantayan na higit pa sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad na pinamamahalaan ang mga Page at content ng Page para tiyakin na ang na-monetize na content ay gumagawa ng value para sa mga tao.
Naka-commit kaming ipagpatuloy na pahusayin ang lahat ng aming monetization product para maka-thrive sa Facebook. Bisitahin ang Creator Studio para alamin pa ang aming mga offering at para sa mga tip, pinakamagandang kasanayan at tingnan ang pagiging eligible para sa lahat ng product.