
Welcome sa Facebook. Nasasabik kaming makasama ka sa aming community ng mga talented na creator.
Narito ang ilang gabay para matulungan kang magsimula at lumago sa Facebook, para makabalik ka sa pinakamagaling mong ginagawa—ang paggawa ng content at pagkonekta sa iyong audience.
At narito ang ilang magandang balita:
Kung bago ka sa Facebook, may oportunidad kang kumita ng $1,000 kada buwan kung mayroon kang higit sa 100,000 follower sa Instagram, TikTok, o YouTube at $3,000 kung mayroon kang higit sa 1M follower.
I-set up ang iyong profile — Gumawa ng Page o i-ON ang pro mode. Magdagdag ng litrato, bio, at i-customize ang iyong username
Magsimulang mag-share ng content — Mag-post ng Reels nang consistent, gamitin ang dati nang content mula sa iba pang platform, at alisin ang mga watermark
Magsimulang kumita — Tingnan ang iyong eligibility sa pag-monetize, at kung eligible ka, mag-enroll sa Creator Fast Track, Facebook Content Monetization, at i-explore ang mga affiliate partnership
Palakasin ang iyong community — Mag-reply sa mga comment, mag-remix ng Reels, at sumali sa Mga Facebook Group sa iyong niche
I-explore ang iyong mga resource — I-track ang iyong performance sa Professional Dashboard at i-follow ang Facebook for Creators para sa mga tip
Manatiling ligtas — I-ON ang 2-factor authentication, suriin ang Mga Pamantayan ng Komunidad, at mag-enroll sa proteksyon ng content
Gumawa ng Facebook account
Kung wala ka pang Facebook account, magsimula sa paggawa ng account. Ito ang unang hakbang sa paggawa ng iyong presence bilang creator.
Piliin kung paano mo gustong makita bilang creator
Kapag may Facebook account ka na, kailangan mong magpasya sa pagitan ng paggawa ng Facebook Page o pag-ON ng pro mode sa profile mo:
Facebook Page: Inirerekomenda namin na mag-set up ang mga established na creator ng Facebook Page dahil hinahayaan ka nitong mag-assign ng mga admin at moderator role para suportahan ang pag-manage ng page at binibigyan ka nito ng access sa mga advanced na tool tulad ng multi-admin access, buong Ads Manager, Commerce Manager, at Page API. Magiging hiwalay na presence ito mula sa iyong personal na Facebook profile. Tingnan ang Paano gumawa ng Facebook page.
Pro mode: Ideal ito kung gusto mong gamitin ang iyong personal na Facebook profile para bumuo ng pampublikong presence habang pinapanatili ang iyong mga personal na koneksyon. Tingnan ang Paano i-ON ang pro mode. Tandaan na hindi eligible ang mga profile ng pro mode para sa ilang tool o program.
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Pro mode o Page?
Kumpletuhin ang iyong profile o Page
Kung gumawa ka ng Facebook Page, piliin ang iyong username sa desktop para matukoy ang iyong Facebook URL. Makakatulong ang paggamit ng consistent na username sa mga social platform para mahanap ka ng iyong mga audience sa Facebook.
Kung pinili mo ang pro mode, pwede mong palitan ang iyong username sa Account Center.
Ang mga well-established na creator na may malawak na history ng media coverage ay pwedeng mag-apply para sa courtesy blue check bilang kilalang pampublikong personalidad. Bilang alternatibo, pwede kang mag-subscribe sa Meta Verified.
Bumuo ng credibility sa pamamagitan ng pag-link ng iyong mga Instagram, TikTok, at YouTube profile sa Facebook profile o Page mo. Pwede mo ring piliing ipakita ang bilang ng iyong follower mula sa mga platform na ito. Tingnan ang video na ito para alamin pa.
I-develop ang iyong content strategy
Nag-aalok ang Facebook ng iba't ibang format ng content kasama ang Reels, mga litrato, at mga text post para tulungan kang ipahayag ang iyong sarili, kumonekta sa mga bagong audience, at kumita ng pera ayon sa gusto mo.
Ang Reels ang isa sa pinakaepektibong paraan para matuklasan ng mga bagong audience sa Facebook. Magsimula sa pamamagitan ng pag-post ng Reels ilang beses sa isang linggo, at habang bumubuo ka ng rhythm mo, subukang mag-post nang hanggang 2-3 beses sa isang araw para ma-maximize ang naaabot mo.
Mag-eksperimento sa lahat ng format at oras ng pag-post para matukoy kung ano ang tumatatak sa iyong audience. Tinutulungan ka ng bawat format na kumonekta sa iyong community sa iba't ibang paraan.
Tingnan ang guide na ito para alamin pa.
Mag-upload ng umiiral na content
Para tulungan kang makakuha ng momentum, gamitin ang iyong umiiral na content mula sa iba pang platform. Tiyaking alisin ang anumang watermark para i-optimize ang performance ng iyong content. Pwede mo ring gamitin ang mga tool sa pag-schedule ng Facebook para planuhin at i-publish ang iyong content nang maaga.
I-share ang iyong archive ng hanggang 100 Instagram Reels sa Facebook sa ilang madaling click. Narito kung paano.

Maraming paraan para kumita ng pera habang ginagawa ang hilig mo.
Noong 2025, nagbayad ang Facebook sa mga content creator ng halos $3 bilyon sa pamamagitan lang ng Facebook Content Monetization.
I-explore ang aming mga oportunidad para sa pag-monetize
Ang Facebook Content Monetization ay idinisenyo para bigyan ka ng reward para sa engaging na content na gusto ng iyong community at binabayaran ka para sa pag-post ng Reels, mga litrato, at mga text post batay sa performance ng iyong content. Pwede mo ring i-track ang iyong metrics para alamin kung paano paramihin ang mga view at tagal ng panonood mo. Kapag mas maraming nanonood ng iyong content, mas malaki ang kikitain mo. Alamin pa ang mga kinakailangan para sa pagiging eligible dito.
Pinapadali ng mga Facebook affiliate partnership para sa iyo na makipag-collaborate sa mga brand, mag-share ng mga produkto sa iyong community, at kumita pa kapag nag-inspire ng pagbili ang iyong mga rekomendasyon. Alamin kung paano magsimulang kumita mula sa mga affiliate dito.
Pwede ka ring makatanggap ng umuulit na kita sa pamamagitan ng mga fan subscription at tip sa pamamagitan ng Stars.

Makipag-ugnayan sa iyong audience
Iparamdam sa iyong audience na mahalaga sila sa pamamagitan ng pag-reply at pag-like ng mga comment. Mas malamang na mag-reshare ng iyong content at magrekomenda ng content mo sa iba ang mga nag-e-engage na follower. Pwede kang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng direktang pag-navigate sa mga post, o paggamit ng tool na Comments manager sa Professional Dashboard.
Maghanap ng mga bagong audience sa Facebook
Makipagtulungan sa ibang creator at mag-remix ng Reels para ilagay ang sarili mong spin sa mga trending na topic at content.
Pwede ka ring maghanap ng Mga Facebook Group na may kaugnayan sa iyong niche o mga interes sa Facebook search bar. Makilahok sa mga discussion sa group, i-share ang iyong content, at bumuo ng mga ugnayan sa mga member ng community para kumonekta sa malawak na audience na kapareho mo ang mga interes.
Alamin nang mabuti ang Professional Dashboard
Ang Professional Dashboard ay ang iyong one-stop-shop para sa lahat ng tool at resource ng creator. Tinutulungan ka ng Professional Dashboard na mag-track ng metrics tulad ng naaabot, pakikipag-ugnayan, at panonood ng video para makakuha ng mga insight tungkol sa performance ng iyong content, eligibility para sa pag-monetize at kita, at nag-aalok ito ng gabay para sa kung paano i-optimize ang iyong content.
I-explore ang website ng Facebook for Creators
Nagbibigay ang website ng Facebook for Creators ng gabay sa kung paano magtagumapy sa Facebook at masulit ang mga available na tool.
I-follow ang Facebook for Creators sa Facebook
Manatiling up-to-date sa mga pinakabagong tip sa mga bagong feature at kung paano masulit ang iyong Facebook experience bilang creator sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook for Creators.
Protektahan ang iyong sarili at account
I-ON ang 2-factor authentication para pahigpitan ang security ng iyong account at protektahan ang personal na impormasyon mo.
Suriin ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad at sundin ang mga alituntuning ito para panatilihing nasa mabuting katayuan ang account mo. Pwede mong tingnan ang status ng rekomendasyon ng iyong profile sa seksyon ng Mga Tool ng Professional Dashboard para matiyak na eligible ang iyong content na mairekomenda sa iba. Habang naroon ka, i-ON ang Moderation Assist para awtomatikong i-hide ang ilang partikular na uri ng comment.
Protektahan ang iyong content
Mag-apply para sa access sa proteksyon sa content para awtomatikong protektahan ang iyong orihinal na Reels, makatanggap ng mga alert kapag na-detect ang mga katugma sa mga reel na iyon sa Facebook o Instagram, at tulungan kang kumilos kung ginagamit ang iyong gawa nang walang pahintulot.
Handa na para magsimula? I-set up ang iyong Facebook Page o i-ON ang pro mode ngayong araw at sumali sa milyon-milyong creator na bumubuo, lumalago, at kumikita na sa Facebook.
Mag-explore ng maraming landas para masulit ang experience mo sa Facebook:
I-ON ang professional mode para sa iyong profile o magsimula ng Page at mag-iwan ng tumatagal na impression sa audience mo.
Gumawa ng authentic at orihinal na content na nakaka-inspire, nagbibigay-kaalaman, o nakaka-entertain sa iyong mga fan.
Ang professional dashboard ay isang one-stop-shop para sa mga insight, pag-manage ng content, at resource.