MGA ANNOUNCEMENT

Pagtulong sa mga creator na magtayo ng negosyo ngayon — at para sa metaverse

Hunyo 22, 2022

Meta for Creators hero image

Binabago namin ang test ng aming Reels Play bonus sa Instagram at Facebook habang nakatuon kami sa pag-invest sa suite ng mga solusyon sa pag-moneitze para tulungan ang mga creator na makakuha ng matatag na stream ng kita. Simulan noong Marso 9, 2023, tumigil kami sa pag-extend ng bago at ni-renew na mga deal ng Reels Play para sa mga creator sa Instagram at Facebook sa buong mundo. Tinatanggap namin ang existing na mga deal ng Reels Play sa Instagram at Facebook. Para alamin pa ang tungkol sa iba pang paraan para kumita sa Instagram at Facebook, i-click dito.

Para tulungan ang mga creator na mas makakonekta sa kanilang mga fan, magtayo ng negosyo at maghanda para sa metaverse, naga-announce kami ng ilang bagong feature at tool sa buong Facebook at Instagram.

Papahabain namin ang aming pangako na hindi maningil ng mga fee sa Mga Subscription, Badge, May bayad na Online Event at Bulletin hanggang Enero 1, 2024.

Bubuksan rin namin ang Facebook Stars sa lahat ng eligible na creator, magdadagdag kami ng mga opsyon sa pag-monetize para sa Reels, susubukan namin ang space para sa mga brand at creator para mas madaling makakonekta sa Instagram, magpapakilala kami ng mga bagong paraan para dalhin ang iyong mga subscriber mula sa iba pang platform at papalawakin namin ang aming pagsubok sa digital collectible.

Papalawakin namin ang mga paraan kung paano maaaring kumita ng pera ang mga creator sa Facebook at Instagram ngayon, at nagbabahagi kami ng mga update tungkol sa mga bagong teknolohiya na makakatulong sa mga creator habang nagtatayo kami para sa metaverse.

Papahabain namin ang aming pangako na hindi maningil ng mga fee sa Mga Subscription, Badge, May bayad na Online Event at Bulletin hanggang Enero 1, 2024.

Paggawang available ang Facebook Stars sa mas maraming creator at sa Reels

Pag-launch ng Stars para sa lahat ng eligible na creator

Ang Facebook Stars ay bukas na sa lahat ng eligible na creator sa maraming format: Facebook Live, mga on-demand na video at–paparating na–Facebook Reels. Papalawakin namin ang aming Stars sa Reels test sa libo-libong creator, na may buong availability sa lahat ng creator na gumagamit ng Stars sa mga paparating na buwan.

Ang Stars, isang digital na produktong pwedeng bilhin ng mga fan at ipadala para suportahan ang mga creator, ay nagbibigay-daan sa mga creator na kumita ng pera at gumawa ng mas malalim na koneksyon sa kanilang mga audience. Ngayon, ang sinumang creator na makakatugon sa sumusunod na criteria sa pagiging eligible ay magsisimulang makatanggap ng mga Star mula sa kanilang mga fan:

Hindi bababa sa 1,000 follower sa nakalipas na 60 araw

Nasa isa sa mga sumusunod na market: US, Philippines, Canada, Mexico, UK, Taiwan, Thailand, Indonesia, France, Peru, Malaysia, Brazil, India, Colombia, Italy, Spain, Germany, New Zealand, Portugal, Belgium, Chile, Australia, Argentina

Mula sa mga eksperto sa pagpapaganda hanggang sa mga gaming creator, nakikita namin ang mga umuusbong at matatag na creator na nagtagumpay sa Stars. Sina Dr. Jen Caudle, Hillary Klug and Lipstickfables ay nakahanap ng tagumpay sa Stars sa Live at VOD sa pamamagitan ng pagbuo ng kaalaman ng fan at regular na pag-post. Na-enable ng Stars on Reels ang mga creator tulad nina Nicholas Safier at Dr. Kojo Sarfo na bumuo ng mas malalim na kaugnayan sa kanilang mga audience. Ito ang dahilan kung bakit ginagawa naming available ang Stars sa mga creator sa unang bahagi ng kanilang journey, sa oras na magsimula silang magtayo ng kanilang negosyo sa Facebook. Pwedeng i-check ng mga creator ang kanilang pagiging eligible at simulan ang onboarding dito.

Ang mga creator ay mas madali na ngayong makakapag-onboard, mag-check ng kanilang mga kinita sa Stars ayon sa uri ng content,magi-manage ng kanilang mga goal at mag-access ang iba pang setting ng Stars. Ang mga creator sa iOS ay makaka-access sa Stars nang direkta mula sa mobile post composer sa bagong experience sa Mga Page habang gumagawa ng post. Kapag natugunan nila ang pagiging eligible para sa Stars, pwedeng i-on at i-off ng mga creator ang Stars para sa kanilang mga post nang direkta mula sa post composer. Ang Stars onboarding ay magiging accessible rin mula sa Creator Studio.

Mas maraming paraan para kumita gamit ang Reels sa Facebook

Ang Reels ay ang pinakamabilis na lumaking content format sa aming mga platform, at gusto naming tulungan ang mga creator na ma-maximize ang kanilang mga monetization opportunity. Noong nakaraang taon, nag-announce kami ng Facebook Reels Play bonus program, na nagbibigay sa mga creator ng opportunity na kumita ng pera mula sa Facebook sa pamamagitan ng pagbuo at pagbahagi ng mga eligible na nakapublikong reel sa platform.

Naging available lang ito sa mga piling creator sa invite-only na batayan hanggang ngayon, pero nagbukas din kami ng proseso ng application para sa mga creator na nakabase sa US na sariling makapag-apply. Ang mga creator na nakabase sa US na makakatugon sa sumusunod na criteria sa pagiging eligible ay hinihikayat na mag-apply:

5+ original na reel na ginawa sa huling 30 araw

100,000+ na pag-play sa huling 30 araw

Nagsusubok rin kami ng mga paraan na pwedeng kumita ng pera ang mga creator sa Instagram at Facebook gamit ang na-crosspost na content. Halimbawa, ang Reels na na-crosspost mula sa Instagram patungo sa Facebook ay maaaring maging eligible na kumita ng bahagi ng kita mula sa mga overlay na ad sa Facebook, na inilulunsad namin sa buong mundo sa maraming market, gayundin para sa Facebook Reels Play Bonus program.

Bukod pa rito, malapit na ring magamit ng mga creator ang label na ‘May Bayad na Partnership kasama ang’ para sa branded content sa Facebook Reels at payagan ang mga sponsor na madaling i-convert ang mga ito sa mga Branded Content Ad.

Kumuha ng mga bagong brand partnership gamit ang Creator Marketplace

Malapit na naming simulan ang pag-test ng Creator Marketplace sa Instagram, kung saan ang mga brand at creator ay mas madaling makakabuo ng mga partnership para sa mga branded content.

Sa mga darating na buwan, ang mga creator ay maaaring sabihin ang mga brand at topic na interesado silang gawan ng branded content, makatuklas ng mga opportunity para makipag-partner sa mga na-vet na brand at mag-manage ng kanilang mga deal sa mga brand nang hindi umaalis sa app. Sisimulan rin namin ang pag-test ng mga pagbabayad sa app para mabayaran ng mga brand ang mga creator para sa branded content sa pamamagitan ng Instagram kapag nakumpleto ang isang proyekto.

Magagawa ring tumuklas at makipag-collaborate ng mga brand sa mga Instagram creator sa pamamagitan ng Meta Business Suite gamit ang mga filter ng demograpiko at interes para sa isang creator at kanilang audience. Kapag nakahanap na sila ng creator na gusto nilang maka-partner, makakapagpadala sila ng proyekto na may mga detalye ng opportunity, kasama ang mga dapat gawin at pagbabayad. Kapag nag-post ang isang creator ng branded content para sa isang proyekto sa Creator Marketplace, awtomatikong ibibigay ang mga pahintulot para sa label ng may bayad na partnership. Kapag kasama sa deal ang pag-boost ng content bilang isang ad, awtomatiko din ang pahintulot na iyon.

Dati kaming nag-announce ng isang folder ng pagme-message ng partnership sa loob ng mga Instagram DM, pati na rin ng mga filter para sa mga brand at creator para mahanap ang isa't isa — magiging bahagi na ito ng Creator Marketplace. Magiging bukas ang test sa isang piling bilang ng mga brand at creator sa US, na may lumalawak na access sa mga darating na buwan.

Mas maraming opsyon para makipag-engage sa mga subscriber, sa loob at labas ng Facebook

Mga Interoperable Subscriber Group sa Facebook

Alam namin na maraming creator ang may fanbase sa iba't ibang online na platform. Dahil dito, naga-announce kami ng unang investment sa mga interoperable na tool sa pag-monetize para sa mga creator: Mga Interoperable Subscriber Group. Nagbibigay-daan ito sa mga creator na makatanggap ng mga bayad mula sa kanilang mga fan sa iba pang platform, at madaling mag-alok sa kanila ng access sa mga eksklusibong feature sa Facebook, simula sa mga Facebook Group na para sa subscriber lang.

Ang mga Interoperable na Subscriber Group ay hindi lamang makakatipid ng oras ng mga creator sa pagbuo ng tahanan para sa kanilang mga komunidad sa Facebook, magbibigay-daan rin ito sakanila na mag-alok sa mga nagbabayad na fan ng mga bagong benepisyo at mas simpleng user experience. Sinusubukan namin ang produkto ngayon kasama ang mga piling partner, na may mga planong magdagdag ng mas marami pang platform at interoperable na feature ng subscriber sa hinaharap.

Kabilang sa aming mga unang partner para sa mga Interoperable na Subscriber Group ay ang MemberPress, isang membership at subscription plugin para sa WordPress. Ang mga creator tulad ni Rachel Lessenden ng Health My Lifestyle, ay kayang mag-manage ng mga pagbabayad sa kanyang website na pinapagana ng MemberPress at madaling magdagdag ng mga bagong subscriber sa kanyang Facebook Group na para lang sa subscriber.

Nakikipag-partner rin kami sa Acast, isang podcasting platform na nagbibigay-daan sa mga fan na direktang suportahan ang mga creator na gusto nila, tulad nina Jessica Matlin at Jennifer Sullivan — na nagho-host ng beauty podcast na Fat Mascara. Sa lalong madaling panahon, ang kanilang mga member ng Acast+ podcast ay maaaring sumali sa kanilang Facebook Group na para lang sa subscriber mula mismo sa podcast feed.

At nasasabik rin kaming makipag-partner sa mga platform na binuo ng mga creator, tulad ni Nuseir Yassin ng Nas Daily. Ang kanyang site, ang Nas Academy, ay nag-aalok ng mga tool para matulungan ang mga creator na bumuo ng mga komunidad sa pag-aaral. Pero sa halip na bumuo ng mga custom na tool sa pakikipag-ugnayan sa komunidad, maaari nilang gamitin ang mga Interoperable na Subscriber Group para maayos na ilipat ang pag-uusap sa mga Facebook Group.

Bagong feature ng Mga Subscription sa Facebook

Habang patuloy naming tinutulungan ang mga creator na bumuo ng mga tunay na ugnayan sa kanilang mga fan, naglulunsad kami ng ilang bagong tool para sa aming produkto ng Mga Subscription sa Facebook. Magagawa na ngayon ng mga creator na:

Mag-share ng post na nakikita lamang ng mga subscriber gamit ang mobile composer

Magkaroon ng access sa Mga Subscription sa pamamagitan ng mobile (available lang sa desktop noon)

Kilalanin ang mga bagong subscriber gamit ang mga appreciation post at Story

Kumuha ng mga rekomendasyon ng mga comment na may mataas na prayoridad, para hindi mo malampasan kung ano ang mahalaga

Mga digital collectible na available sa mas maraming creator, sa mas maraming lugar

Habang bumubuo kami para sa metaverse, ang pag-invest sa mga teknolohiya ng web3 at digital collectible tulad ng mga NFT ay isang mahalagang bahagi ng aming pangmatagalang pangako sa mga creator. Nakakakita na kami ng mga creator tulad nina @misshattan, @nylacollection_nft, @amber_vittoria at @bossbeautiesnft na nagtagumpay sa pagbabahagi ng kanilang mga NFT sa kanilang mga komunidad sa Instagram.

Pinapalawak namin ang aming test sa mga digital collectible sa Instagram sa mas maraming pandaigdigang creator at ilang karagdagang bansa. Magagawang ibahagi ng mga creator at collector ang kanilang mga digital collectible sa Facebook at Instagram pagkatapos naming simulan ang paglunsad ng feature sa Facebook sa mga piling creator sa US sa mga susunod na araw. Magsisimula na rin naming i-test ang mga NFT sa Instagram Stories gamit ang SparkAR.

Nag-compile din kami ng gabay sa paano gumagana ang mga NFT at kung bakit mahalaga ang mga ito para sa metaverse.

Walang bayarin na nauugnay sa pag-post o pagbabahagi ng isang digital collectible sa Instagram, at sa ngayon ay hindi kami mag-aalok ng kakayahang gawing mga ad ang mga digital collectible na post.

Alam namin na ang mga NFT ay nagbibigay ng mahahalagang tanong tungkol sa sustainability. Bilang bahagi ng pangako ng Meta sa sustainability, tumutulong kami na bawasan ang epekto ng mga emisyon na maaaring nauugnay sa mga digital collectible sa pamamagitan ng pagbili ng renewable energy.

Sa pagappatuloy naming ilabas ang mga digital collectible sa Facebook at Instagram, nagsimula kaming bigyan ng kakayahan ang mga tao na mag-post ng mga digital collectible na pagmamay-ari nila sa Facebook at Instagram. Ie-enable nito ang mga tao na ikonekta ang kanilang mga digital wallet nang isang beses sa app upang i-share ang kanilang mga digital collectible sa pareho.

Update simula noong 20, 2022: Pinapawalak namin ang kakayahang ma-showcase ang mga digital collectible sa Facebook sa 100 karagdagang bansa sa Africa, Asia-Pacific, ang Middle East, at ang America. Ang mga creator at may-ari ng mga digital collectible sa mga eligible na bansa ay maikokonekta ang kanilang mga eligible na third-party wallet at ma-share ang kanilang mga digital collectible sa parehong Facebook at Instagram.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

/
50

Samahan kami

Makatanggap ng mga eksklusibong insider tip, payo ng eksperto, at ang pinakabagong balita sa creator sa pamamamgitan ng pag-sign up.