MGA ANNOUNCEMENT

Binabago namin ang test ng aming Reels Play bonus sa Instagram at Facebook habang nakatuon kami sa pag-invest sa suite ng mga solusyon sa pag-moneitze para tulungan ang mga creator na makakuha ng matatag na stream ng kita. Simulan noong Marso 9, 2023, tumigil kami sa pag-extend ng bago at ni-renew na mga deal ng Reels Play para sa mga creator sa Instagram at Facebook sa buong mundo. Tinatanggap namin ang existing na mga deal ng Reels Play sa Instagram at Facebook. Para alamin pa ang tungkol sa iba pang paraan para kumita sa Instagram at Facebook, i-click dito.
Ngayon, inaanunsyo namin ang pandaigdigang expansion ng professional mode para sa mga profile sa Facebook, ang profile setting na nagbibigay ng mga creator opportunity sa sinumang gusto maging isang dcreator, kasama ang mga bagong feature na ina-unlock ang higit pang monetization opportunity at tool para suportahan ang pag-unlad ng creator sa Facebook.
Naniniwala kami na ang Facebook ay isang lugar kung saan pwedeng simulan ng mataas na kalidad, orihinal na content ang mga exciting na pag-uusap, mas pinaglalapit ang mga tao sa pamamagitan ng parehong mga interes sa platform. Sa professional mode, pwede kang gumamit ng mga professional tool para bumuo ng pina-follow ng public, kumita ng pera mula sa iba’t ibang programa sa pag-monetize, at kumonekta sa iyong audience sa higit pang makabuluhang paraan. At magagawa mo itong lahat sa profile na mayroon ka na sa Facebook.



Sa professional mode, nakabuo kami ng higit pang paraan para kumita ng pera mula sa content na sini-share mo sa Facebook. Naglo-launch kami ng mga bagong programa at sinusubukan ang mga bagong format para kumita ka ng pera bilang isang creator.
Ang mgaUS creator ay maaaring mag-apply para sumali sa Reels Play sa Facebook, isang bonus program na hinahayaan kang kumita ng pera para sa mga reel na sini-share mo.
Inanunsyo namin dati ang Stars at gagawin namin available ito sa mas maraming eligible na creator sa professional mode, nagbibigay sa iyo ng oportunidad na kumita ng pera nang direkta mula sa fans. Pwedeng ipadala at matanggap ang Stars sa Facebook Reels, Live na Video, at Video on Demand gamit ang mga bagong format tulad ng Litrato at mga Text post na paparating.
Ang mga In-stream ad ay nilo-launch sa patuloy na basehan sa mga eligible na mga creator ng professional mode, na hinahayaan kang kumita ng pera sa pamamagitan ng pag-enable ng mga ad bago ang, sa panahon ng at/o pagkatapos ng mahahabang videos on demand sa Facebook. Sinusubukan din namin ang Ads on Facebook Reels sa professional mode sa group ng mga creator sa buong mundo. Isinasama nang maayos ang ad format na ito sa iyong mga reel sa paglalagay ng mga ad sa mga reel o sa pag-loop ng mga reel, para mabayaran mula sa mga pagtingin sa reel habang ini-entertain ang fans.
Ang Mga Subscription ay ipinapakilala at sinusubukan sa professional mode para hayaang i-level up ng fans ang kanilang suporta sa iyo at gawa mo, at binibigyan ka ng oportunidad na bumuo ng mas malalim na mga koneksyon sa iyong pinaka-loyal na mga follower sa pamamagitan ng content na para lang sa subscriber.
Ang Facebook professional tools ay naging game-changer para sa akin. Lalo na ang mga monetization tool. Nakagawa ako ng career sa isang bagay ng gusto ko. Ang aking Facebook experience ay palaging tungkol sa aking sining at pakikipag-ugnayan sa aking audience at hinahayaan ako ng professional mode na gumugol pa ng oras at energy sa pareho.
Kyra Waits, chainsaw wood sculptor at digital creator
Hinahayaan ka ng professional mode na bumuo ng pandaigdigang audience ng mga follower, habang nananatili pa ring konektado sa mga kaibigan at pamilya mula sa iyong personal na Facebook profile. Habang nagpo-post ka ng public content, magkakaroon ka ng access sa mga feature na idinisenyo para tulungan kang makakuha at makahikayat ng mga bagong follower - na dati nang available lang sa Mga Page - kasama ang:
Ang“Sina-suggest para sa Iyo” ay maaaring i-recommend ang iyong content sa Feed sa Facebook, dagdagan ang iyong visibility sa mas malalaking audience.
Ang Top fans ay tinutulungan ka makilala at makipag-interact sa iyong pinaka-engage na fans, habang ang binibigyan ng insentibo ang fans para makipag-ugnayan pa sa mga creators tulad mo. Ang mga follower na kwalipikado bilang top fan ay magkakaroon ng badge na makikita ayon sa kanilang pangalan kapag mag-comment sila sa mga post mo.
Ang Mag-invite ng mga Kaibigan na Ipa-follow ay ginagawang mas madali para sa iyo na i-share ang gusto mong mga creator sa iyong mga kaibigan. Pwedeng i-invite ng fans mo ang kanilang mga kaibigan na i-follow ka at ibang mga profile ng creator, tumutulong sa iyong palakihin ang iyong fan base.
Hina-highlight ng mga notification ang iyong mga pinakasikat na post, para makasali ka sa mga pag-uusap kasama ang iyong fans, nanghihikayat ng pakikipag-ugnayan sa iyong content.
Reels Collabs tinutulungan ang mga creator na mag-co-author ng reel para makagawa ka nang nakikipagtulungan, ibahagi ang content na ito sa mga follower ng mga creator at magkasamang palakihin ang iyong audience.
Sinusubukan namin ang kakayahan na i-boost ang eligible na content bilang mga ad na hinahayaan kang maabot ang mga audience na hindi ka pina-follow ka pero maaaring interesado sa iyong profile.
Ang Facebook ay ang at palagi kong pinupuntahang platform para i-share ang aking content. Lumaki ako kasama ito – alam ko ito, gusto ko ito. Noong nag-live ang aking unang fashion video, hindi ako makapaniwala kung gaano kalaki ang reaksyon. Pero simula pa lang ito iyon! Pinabilis ng mga professional tool ang paglaki ng aking audience sa napakaikling panahon. Gusto ko ang pagbuo ng aking brand bilang isang creator. Ipinapakita ang aking bagong profile category na may ginagawa akong isang bagay na special dito ngayon!
Shaniece Brown, fashion at beauty creator
Bumuo kami ng mas maraming professional tool para sa professional mode, kasama ang analytics at pinagandang well-being na mga feature, para tulungan kang bumuo ng iyong brand at manatiling ligtas sa Facebook.
Professional Dashboard ay isang one-stop hub pinapayagan kang tingnan ang audience at mga profile insight, pati rin ang performance ng content mo (hal., engagement, mga reaksyon, comment, at share). Patuloy kaming nagdadagdag ng mga bagong feature, tulad ng:
Reels Analytics at karagdagang monetization insights (para sa mga eligible) ay hnahayaan kang makita kung ano ang performance ng iyong mga reel at aling content ang nagmo-monetize nang pinakamaganda.
Mga tool ng creator at pang-edukasyon na resource, tulad ng Professional Mode Guide, para suportahan ang pag-unlad bilang isang creator sa professional mode.
Ang aming in-upgrade na profile design ay ipinapakita ang profile category nang direkta sa iyong profile. Sa pamamagitan ng pagpili ng creator category, lalabas ngayon ang iyong brand sa ilalim ng iyong pangalan kapag hinanap ka ng mga tao sa Facebook.
Ang aming in-update na Post Composer, pinapahintulutan kang mag-schedule ng mga post nang maaga at tingnan ang mga inirerekomendang oras para sa magandang pag-schedule ng post, kasama ang kakayahang mag-cross-post ng iyong content sa mga partikular na Mga Group.
Sinusubukan namin ang bagong in-app na Creator Support Hubna nagbibigay ng pinalawak na access sa support, pati rin ang mga education material para makakuha ng tulong sa mga karaniwang isyu tulad ng eligibility sa pag-monetize, pambu-bully, mga verification request at marami pa.
Dagdag pa sa umiiral na privacy, kaligtasan at seguridad na mga feature sa mga Facebook profile tulad ng kontrolin kung sino ang makakakita ng iyong mga post, pag-block ng isang tao at pag-lock ng profile mo, may karagdagang moderation feature ang professional mode para tulungan kang ligtas na makipag-interact sa iyong lumalaking community:
Ang Moderation Assist ay binabawasan ang oras sa pag-moderate ng mga comment sa pamamagitan ng maagap na pag-set ng criteria para awtomatikong itago ang mga papasok na comment sa iyong mga post, tulad ng mga comment na may mga link, mga profile na walang mga profile photo, mga comment na may mga keyword mula sa kino-curate na listahan, at marami pa.
Ang Piliin ang Sino ang pwedeng Mag-comment ay nagbibigay ng higit pang kontrol sa mga comment mula sa iyong mga naka-public na post – mula sa “Mga Profile at Page na pina- follow” mo hanggang sa “Mga Profile at Page na mini-mention mo.”
Ang Community Manager ay pinapayagan kang magtalaga ng isang pinagkakatiwalaang moderator para sa mga livestream chat kapag magla-live ka.
Sa Meta, palagi kaming naghahanap ng bago at madaling paraan para sabihin ng mga creator ang kanilang story, palakihin ang kanilang audience at mabayaran para sa kanilang gawa. Naniniwala kami na dapat magkaroon ng access ang lahat sa mga oportunidad para maging isang creator sa Facebook. Binubuo namin ang mga foundational tool para bigyan ng kakayahan ang mga creator na bumuo ng mga thriving community at bumuo ng mga koneksyon sa iba pang tao sa buong mundo. Kung gusto mong simulan ang iyong creator journey sa profile mo, pwede mo na ngayong i-ON ang professional mode sa mga setting ng profile at simulang gumawa ngayong araw!