MGA ANNOUNCEMENT

Mga bagong paraan para makipag-ugnayan sa iyong audience at bumuo ng community mo

Disyembre 9, 2021

Ngayong araw na ito nagbabahagi kami ng mga bagong paraan para gawing mas madaling mag-publish ng bagong content, kumonekta nang mas malalim sa iyong community at ma-discover ng mga bagong audience.

Iisa-isahin natin sa ibaba ang mga bagong Live video tool, ang kakayahan ng pakikibahagi sa mga pag-uusap kasama ng fans at ibang creator, mga bagong format ng post at marami pa.

Mga broadcasting tool ng creator sa Facebook Live

Araw-araw, gumagamit ng Facebook Live ang mga tao around the world para mag-share at kumonekta sa mga mahalagang moment na nangyayari around the world nang real time. Simula nang i-launch namin ang Live na video sa Facebook, nakagawa ang mga tao ng mahigit sa 10 bilyong broadcast, at ang mga creator na tulad nina Roccibella at Candylover89 ay nakahanap ng mga creative na paraan para kumonekta sa kanilang mga audience sa buong daigdig.

Na-launch kami kamakailan ng bagong design para sa Facebook Live sa desktop at mobile para gawing mas madaling makapag-live ang mga creator. Ginawa naming simple ang navigation menu para mas madali mong ma-access ang mga insight at tools na kailangan mo bago ka mag-live broadcast at habang ikaw ay nagbo-broadcast.

Naglalabas din kami ng mga bagong feature sa Facebook Live para gawing mas madaling makipag-ugnayan ang mga creator sa fans, kasama ang:

Featured Links. Ang isa sa pinakamadalas na i-request na feature na natanggap namin noong nakaraang taon ay ang ability na mag-add ng mga third-party link sa mga live broadcast. Sa Featured Links, pwedeng mag-share ang mga creator ng maraming link sa mga bagay na mahalaga sa kanila. Mula sa mga beauty blog at mga donasyon sa mga cause na mahalaga sa iyo, pwedeng mag-add ang mga creator ng featured link sa kanilang mga live broadcast, at pwedeng puntahan ng mga viewer ang mga link na ito nang hindi umaalis sa live na video.

Mga Poll. Sa desktop lang dati, sinusubukan namin ang ni-refresh na Polls experience sa mobile para makatanggap ang mga creator ng real-time na feedback mula sa kanilang fans at bilang kapalit nito, pwedeng direktang makipag-ugnayan ang fans sa kanilang mga paboritong creator.

Live With. Dinadagdagan namin ang bilang ng mga tao na pwede mong makasamang mag-broadcast gamit ang Live With sa Facebook. Soon, makakapag-live na ang mga creator kasama ng hanggang tatlong additional guests, na magbubukas ng mga opportunity para mag-live kasama ng iba pang creator, kaibigan at fans.

Live in Stories. Ilalabas namin ang Live in Stories para gawing mas madaling ma-discover ang mga ceatore sa itaas ng News Feed. Pwedeng direktang i-share ng mga creator ang kanilang mga live broadcast sa Facebook Stories bilang isa pang paraan para ma-maximize ang naaabot ng content sa kanilang audience.

Mga Badge. Para mas malinaw na makilala ang fans na sumusuporta sa mga creator sa pamamagitan ng Stars, mga donasyon at marami pa, naglabas kami ng Badges experience na binago ang design. Tumutulong ang Mga Badge na gawing mas madali sa mga creator na makilala ang kanilang pinaka-loyal na fans, at lumalabas ito sa tabi ng mga pangalan ng mga viewer sa comments section.

Front Row. Sinusubukan namin ang isang experience na nagbibigay ng madaling paraan sa mga creator na makilala kung sino ang kanilang pinaka-devoted na viewers sa video anumang oras. Lalabas ang mga viewer na ito sa isang inilaang “Front Row” na seksyon ng live broadcast, at pwedeng magbigay ng mga shout out ang mga creator sa kanilang live broadcast para makilala ang kanilang biggest fans.

At bilang bahagi ng amingcommitment na mag-invest ng mahigit sa $1 bilyon sa mga creator sa buong 2022, maglo-launch din kami ng abgong bonus program para sa mga creator sa Facebook Live. Babayaran ng program ang mga eligible na creator based sa performance ng kanilang mga live broadcast. Sa simula, invite-only lang ang program at magsisimula ito sa mga darating na linggo.

Pagbuo ng mas matibay na mga koneksyon sa pamamagitan ng mga comment

Ang pakikipag-ugnayan sa iyong community sa comments section ng iyong mga post at video ay isang magandang paraan para bumuo ng mga ugnayan sa mga peer at kumonekta sa fans, habang naaabot ang mga bagong follower. Si Molly Burke, isang motivational speaker, lifestyle creator at disability advocate, ay napalaki ang nagpa-follow sa kanya nang 81% sa nakalipas na 12 buwan at nakabuo siya ng umuunlad na community sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga pag-uusap. Ibinahagi niya, “Kapag gusto mong bumuo ng isang community, mahalagang makipag-usap sa community. Gumagawa ako ng content para kumita dahil bumuo ako ng isang community na nakikpag-ugnayan sa akin at alam nila na nakikipag-ugnayan din ako. Nagsusumikap akong makilala ang sila at ginagawa ko iyon sa pamamagitan ng pagtatanong sa aking mga video, pagtatanong sa mga comment at pag-reply sa isang authentic na paraan, sa mga comment man o sa mga direct message.”

Kapag nag-comment ang mga creator sa mga naka-public na post, maaaring may lumabas na button na I-follow sa tabi ng kanilang pangalan. Ang mga naka-public na post na may comment ng mga creator ay maaari ring lumabas sa mga feed ng kanilang mga follower, na gagawa ng karagdagang touchpoint sa kanilang fans at magreresulta sa karagdagang pakikipag-ugnayan sa post na iyon. Kapag nakipag-ugnayan ang mga creator sa mga comments section ng mga sarili nilang post, maaaring ipakita ulit ang mga post sa mga Feed ng kanilang mga follower, na pwedeng dagdagan pa ang naaabot at pakikipag-ugnayan.

Sa pagbuo dito, ginagawa naming mas madali at mas mahalaga sa mga creator na makipag-ugnayan sa mga pag-uusap sa Facebook sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kakayahang mag-react at sumagot nang mabilis at direkta sa mga comment mula sa isang notification. Dagdag pa rito, naglalabas kami ng mas naka-streamline na experience sa pagko-comment para sa Live Audio Rooms.

Nagpakilala rin kami ng pinagandang comment ranking features na tumutulong sa mga creator na mahanap at makipag-ugnayan sa mga pinaka-relevant na pag-uusap. Kasama sa mga feature na ito ang pagtaas sa posisyon ng mga comment at reply mula sa mga creator sa itaas ng discussion thread sa isang post at pagbawas sa visibility ng ma-spam o paulit-ulit na mga comment. Pinalawak din namin ang comment ranking sa mga karagdagang uri ng content tulad ng Reels, Facebook Live videos at Live Audio Rooms.

Bagong format ng post: Spotlight Conversations

Sina Terrell at Jarius Joseph, ama ng dalawang toddler, mga LGBTQ+ advocate at mga digital creators na nagbabahagi ng mga tagumpay at kabiguan sa pangangasiwa ng pamilya sa pamamagitan ng mga relatable video sa Facebook ay nakitang lumaki ang kanilang Page nang mahigit sa 800% ngayong taon at inuugnay nila ang ilan sa paglaking ito sa pagpo-post ng halos araw-araw. Bagaman mukha itong mahirap, ayon sa kanila, “...pinadadali ito ng Facebook. Kung hindi ito isang video, isa itong litrato o soundbite. Maraming hanay ng content, kaya makakapag-post ka araw-araw.”

Para tulungan ang mga creator na ma-express ang kanilang mga sarili sa bagong paraan, sinusubukan namin ang bagong format ng post, ang Spotlight Conversations, na nagbibigay sa mga creator ng mas maraming paraan para kumonekta sa mga peer at sa kanilang mas malawak na mga community.

Sa Spotlight Conversations, pwede kang magkaroon ng mga engaging na discussion sa comment kasama ng iyong piniling mga guest. Lalabas ang mga pag-uusap na ito bilang mga post na may dalawang magkahiwalay na comment section: isa para sa iyo at sa iyong mga guest, at ang isa para sa lahat ng iba pang gustong sumubaybay at mag-usap. Pinapayagan ka ng Spotlight Conversation na makipag-ugnayan sa isang inilaang lugar habang pinalalawak din ang iyong naaabot sa mas malawak na audience.

Pag-discover ng creator

Bilang bahagi ng aming mga pagsusumikap na tulungan ang mga taong makita ang content mula sa diverse set ng mga content publisher sa Facebook, kasama ang mga nagsisimula pa lang na creator, sinusubukan namin ang mga bagong paraan para gawing mas madali sa mga tao na ma-discover at ma-explore ang content ng creator sa Facebook. Kasama rito ang paglalagay ng button na ‘i-follow’ sa content mula sa mga creator na hindi mo pa pina-follow. Nagdagdag din kami ng units sa News Feed na nagre-recommend ng mga public figure at creator na ipa-follow based sa mga interest at iba pang page na pina-follow ng isang tao, at sinusubukan namin ang mga bagong paraan para magpakita ng mas maraming content mula sa mga creator sa aming mga video at feed experience, partikular na mula sa mga nagsisimula pa lang na creator.

Para tulungan ang mga creator na bumuo at makipag-ugnayan sa kanilang mga community, sinusubukan din namin ang isang deep-dive experience na nagpapakita sa mga tao ng content na posibleng hindi nila nakita mula sa mga creator na pina-follow nila sa kanila mismong News Feed, at nagdagdag kami ng kakayahang mag-crosspost ng mga post sa feed mula sa Facebook papunta sa Instagram, na pinadadaling ma-share ang iyong stories at mga post sa Facebook sa iyong audience din sa Instagram.

Mas pinadadaling gumawa ng content sa Watch

Simula nang ni-launch ang Facebook Watch sa buong mundo noong 2018, naging go-to place ito para madaling maka-discover ng mga video para sa anumang hilig mo. Ito man ay mga live na video, show, sports, balita o mga music video. Para maging mas madali sa mga creator na mag-publish ng content sa mobile, sinusubukan namin ang bagong paraan para gumawa ng mga video mula sa itaas ng Facebook Watch. Kapag na-inspire ang isang creator ng iba pang mga video sa kanyang Watch feed, makakagawa at makakapag-upload siya ng content sa ilang click lang.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

/
13

Samahan kami

Makatanggap ng mga eksklusibong insider tip, payo ng eksperto, at ang pinakabagong balita sa creator sa pamamamgitan ng pag-sign up.