MGA ANNOUNCEMENT

Bumuo ng sustainable na negosyo at kumita ng higit pa sa pamamagitan ng Mga Subscription

Nobyembre 3, 2021

Noong Hunyo 2020, binuksan namin ang mga fan subscription, na tinatawag na ngayong Mga Subscription, sa higit pang creator at ngayon ay nagbabahagi kami ng ilang kapana-panabik na update na makakatulong sa mga creator na kumita ng mas maraming pera, magkaroon ng sustainable na pamumuhay at magkaroon ng higit pang kontrol sa mga negosyong binubuo nila sa Facebook.

Narito ang kailangan mong malaman.

Ano ang Mga Subscription?

Sa Mga Subscription, masusuportahan ka ng audience mo sa mas nagpapatuloy na paraan sa pamamagitan ng mga umuulit na pagbabayad kada buwan. Nagbibigay-daan ito sa iyo na makilala ang mga pinakamalaking supporter mo, at bigyan sila ng espesyal na experience kapag nakikipag-interact sila sa iyong Page. Mapipili mo ring magbigay ng mga karagdagang benepisyo tulad ng mga subscriber-only na Live, espesyal na discount o subscriber-only na Group.

Kumita ng pera mula sa Facebook para sa bawat bagong subscriber.

Para matulungan ang mg subscriber na palakihin ang kanilang mga negosyo ng subscription, babayaran ng Facebook ang mga creator ng bonus na $5 - $20 para sa bawat bagong subscriber na makukuha nila mula ngayon hanggang sa katapusan ng 2021. Ang bagong bonus program na ito ay bahagi ng pangako ng kumpanya na mamuhunan ng higit $1 bilyon sa mga creator hanggang 2022.

Maaaring kumita ang mga creator ng bonus na hanggang $10,000 sa kurso ng program. Invite-only lang ito sa lahat ng 27 market kung saan available ang feature na Mga Subscription sa mga creator. Inaasahan naming palawakin ang bonus program na ito at iba pa sa mga susunod na buwan para tulungan ang mas maraming creator na bumuo ng mga sustainable na negosyo ng subscription sa Facebook. Ang mga creator na interesado sa mga oportunidad sa bonus sa hinaharap ay dapat mag-sign up para alamin ang higit pa rito.


Bonus Program ng Mga Subscription

Mananatiling sa iyo ang kita mo

Noong unang bahagi ng taong ito, bilang bahagi ng aming pangako na suportahan ang mga creator, ibinahagi namin na hindi kokolekta ang Facebook ng anumang singil mula sa mga creator para sa mga pagbili sa Mga Subscription hanggang 2023, pero maaaring mas magtagal pa ito. Gayunpaman, dapat pa ring ibigay ng mga creator ang 15-30% ng kanilang kita sa mga kumpanya tulad ng Apple kapag bumili ang mga tao ng Mga Subscription gamit ang Facebook app sa mga mobile device. Para sa mga umuulit na pagbabayad tulad ng mga subscription, mabilis itong naiipon dahil binabayaran ang singil na iyon kada buwan.

Simula ngayon, inaalok namin sa mga creator ang kakayahang idirekta ang mga tao sa isang website para kumpletuhin ang kanilang pagbili sa Mga Subscription gamit ang Facebook Pay. Kapag bumili ang mga tao ng Mga Subscription mula sa website na ito sa web o mobile, makukuha ng mga creator ang 100% ng perang kinikita nila, bawas ang mga buwis. Mahahanap ng mga creator ang kanilang naka-personalize na pang-promotion na link sa Creator Studio, na pwede nilang i-share sa kanilang mga audience, kabilang ang sa pamamagitan ng email o text.


Pang-promotion na Link sa Creator Studio

Gagawin din naming mas madali para sa mga creator na maunawaan ang kanilang mga payout sa Mga Subscription at ang mga singil na binabayaran nila. Pinaplano naming mag-launch ng tinatantiyang pagkakahati ng kita na magpapakita sa mga creator kung saan galing ang mga bumili, tinatantiyang buwis, at kung magkano ang ibinabayad nilang singil sa Apple at sa iba. Ang metrics na ito ay available na para sa mga may bayad na online event.


Tinatayang Kita

Maging may-ari ng kaugnayan mo sa mga subscriber

Dagdag pa sa pagtulong sa mga creator na makuha ang mas marami sa kanilang kita at maunawaan kung saan galing ang kanilang kita, gusto rin namin silang bigyan ng mas maraming kontrol sa kanilang negosyo. Ilo-launch namin ang kakayahan para sa mga creator na i-download ang mga email address ng kanilang mga subscriber simula Disyembre, para makapagpanatili sila ng kaugnayan sa labas ng Facebook. Gagamitin lang ito para sa mga bagong subscriber; ang mga taong nag-subscribe na sa creator ay maaaring mag-opt out sa pagbabahagi ng kanilang email address sa seksyon na mga setting ng hub ng support sa Page ng creator.


Pag-download ng Email para sa Mga Subscription

Pagkilala sa mga pinakamalaki mong supporter

Ngayon, nakakakuha ang mga supporter ng badge kapag nag-subscribe sila sa creator para mapansin sa oras ng live na video o kapag nag-iwan sila ng comment. Narinig namin mula sa mga creator at subscriber kung gaano kahalaga na makilala at mapasalamatan ng mga creator ang mga subscriber, kaya maglo-launch kami ng dalawang bagong kapana-panabik na feature:

Sa mga livestream, mag-iiba ang mga badge ng subscriber batay sa kung gaano katagal nang subscriber isang tao. Gagawin nitong mas madali para sa mga creator na bigyan ng atensyon ang kanilang mga pinaka-dedicated na supporter.

Sa mga anniversary ng kanilang Mga Subscription, maha-highlight ang mga comment ng mga subscriber gamit ang mga espesyal na kulay at animation para mas mapansin ang mga ito.


Badge ng Bagong Subscriber


Pagdiriwang ng Anniversary ng Subscriber

Inaasahan naming maglabas ng ilang karagdagang update sa mga susunod na buwan para tulungan ang mas maraming creator na magkaroon ng sustainable na kita sa Facebook. Alamin pa ang tungkol sa Mga Subscription dito.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

/
49

Samahan kami

Makatanggap ng mga eksklusibong insider tip, payo ng eksperto, at ang pinakabagong balita sa creator sa pamamamgitan ng pag-sign up.